Lunes, Disyembre 5, 2011

Kaagapay ng Mag-aaral


     

          Kriiing!
          Madaling araw pa lamang, handa na si Ambo na pumunta sa paaralan upang muling matuto ng mga bagong aralin. Kilala si ambo bilang isang matalinong mag-aaral, naiiba siya sa lahat dahil hindi siya gumagamit ng teknolohiya dahil sa isang tanong na gumagambala sa kanyang isipan. Ano nga ba ang mga tulong na naiaambag ng teknolohiya sa mga gawain sa paaralan?
          Ayon sa mga istatistika, ang porsiyento ng mga batang gumagamit ng internet ay umaabot sa 65%, sa mga may edad na 20 pataas ay 48%, sa mga 30 pataas naman 24% lamang ang gumagamit at apat na porsiyento lamang sa mga 50 taong gulang pataas.
          Panulat at papel- Ito ang maituturing na isa sa mga pinakamatalik na kaibigan ng mga estudyante. Lagi nila itong ginagamit sa pag-aaral. Sa paglipas ng ilang dekada, marami nang naglipanang mga digital na gadyet na may malaking naitutulong sa araw-araw na pamumuhay kung kaya't ang dating pudpod na panulat, ngayon ay napalitan na ng mga digital na gadyet. Kaakibat nito ang pagbilis ng takbo ng mga gawain sa paaralan.
Sa patuloy na paghahanap ni Ambo ng sagot sa kanyang katanungan, unti-unti niyang nadiskubre ang mga naitutulong ng teknolohiya sa pag-aaral.
        Iba’t ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong asignatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na siglo, ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante at mga pagpupulong. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ngunit sa makabagong panahon ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter na maaaring  maka-access ng internet.
          Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga pribado ay gumagamit na ng mga kompyuter na may access sa internet. Mayroon silang tinatawag na computer laboratory madali ang pagkalap ng mga impormasyon. Mas epektibong naibabahagi ng mga guro ang kanilang leksyon nang dahil sa internet.
          Pati na ang mga sulating pormal at di-pormal ay madali na lamang gawin sa pamamagitan ng mga kompyuter. Maaari na rin nilang makuha nang mabilis ang mga naisa na malamang impormasyon, sagot sa mga takdang aralin at marami pang iba sa pamamagitan ng pag-search sa web.
          Ang Information Communication Technology ay isinusulong na ngayon sa mga paaralan dahil sa pamamagitan nito, matututo ang mga mag-aaral na gamiytin ang mga digital na gadyet tulad ng camera, CD , projectors computer at marami pang iba na kayang suportahan ang mga gawain sa paaralan. Gayunpaman, hindi nito pinapalitan ang mga libro na may malaki pa ring tulong sa mga mag-aaral.
       
  Sa mga ideyang  natuklasan ni Ambo, napagtanto niya  na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan. Ang teknolohiya ay hindi ginawa para sa masasamang gawain ngunit para sa malawak na kaalaman, nagsisilbi itong tulay ng mga mag-aaral tungo sa magandang kinabukasan. Kung kaya't mag-isip muna bago ito gamitin!




References:
Ayon sa Istatistika
Larawan1
Larawan2
Larawan3

0 Mga Komento:

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home